Choo
Thomas
“Langit ay napaka Tunay!”
Video Documentary Transcript , Tagalog
PDF
DOC
English/Main |
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Noong
1992, isang Korean American na nagngangalang Choo Thomas, ay naging isang
born again Christian. Kung papaano ang kuwentong ito ay naging kakaiba,
dalawang taon matapos siyang mabago, si Choo ay dinalaw ni Hesus na taga
Nazareth. Nang sumunod, siya ay inakay sa langit nang may ilang ulit at
ipinakita ang impiyerno dalawang beses.
Si Choo Thomas ay sumulat ng isang aklat tungkol sa
kanyang mga karanasan; ang aklat ay pinamagatang “Heaven is so Real o Langit
ay napaka Tunay” at ito ay nalathala noong October 2003.
Sa loob lamang ng isang taon nang pagkakalathala, ang
aklat na ito ay naging isang ‘international bestseller’ o pinaka mabenta sa
buong daigdig at isa sa sampung tampok na aklat sa Christian Charismatic
book sa Estados Unidos.
Papaano ang isang simpleng ina ng tahanan, na
nakapagsasalita lamang ng iilang Ingles, hindi lamang nakapaglathala ng
isang aklat, subalit sa loob ng isang taon nang pagkakalathala, ito ay
naging isang international bestseller? Subalit marahil ang isang higit na
importanteng tanong ay bakit ngayon lamang ang mga kapahayagang ito.
“Langit ay napaka Tunay” at ito ang kuwento ni Choo Thomas.
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
“Mabuti…
Ama sa langit, salamat sa pagpapahintulot Mo sa akin na
magpatotoo. Halleluiah. Ako’y naging Kristiyano simula pa noong 1992 at ako
ay talagang nahumaling sa pag-ibig kay Hesus matapos na ako ay makadalo sa
‘church’ nang ilang ulit at ninais kong ibigay ang lahat ng bahagi ng aking
pagkatao sa Kanya hanggang matapos ang aking buhay…Kaya…
At nais kong magsalita ng maikli tungkol sa isang aklat
na may pamagat na “Langit ay napaka Tunay”. Ang Panginoong Hesus mismo ang
nagdala sa akin sa langit labingpitong beses sa aking binagong katawan,
tulad nang ako ay 15 o 16 na taong gulang. Bago ito, Hinanda Niya ang bawat
bagay hakbang-kada-hakbang. Noong 1994, pinahiran Niya ng kapangyarihan ang
aking buong katawan ng Banal na Apoy, tapos makalipas ang isang buwan,
ipinakita Niya sa akin, taglay ang Kanyang nakikitang presensya sa ‘church’
o simbahan habang nasa bahagi ng gawaing pagsamba (worship service).
Pagkatapos 1995, Linggo ng Pagkabuhay, pinahiran Niya ako ng kapangyarihan
na may panginginig ng katawan at mula noon, ang aking katawan ay nanginginig
sa simbahan, habang ako ay nasa oras ng pananalangin. Makikita ninyo, ang
aking katawan ay umuugoy paatras at pasulong ngayon, kung hindi ko ito
gagawin, ang aking tiyan ay titigas at dama ko na ito ay parang sasabog,
kaya ito ang dahilan kung kaya ako ay gumagalaw o umuugoy paatras at
pasulong. Kaya pakiusap huwag ninyong isipin na may anumang masamang
nangyayari sa aking katawan. Iyan ay gawa ng Banal na Espiritu dahil
nangungusap ako tungkol kay Hesus, iyan ang dahilan. At pagkatapos,
pakatapos nito, binautismuhan Niya ako ng Espiritu Santo, ng may bagong wika,
makalangit na mga awitin, banal na pagtawa at ako ay sadyang pinahiran ng
kapangyarihan sa loob ng tatlong oras na ako ay nasa sahig, hindi ako
makatayo dahil sa sobrang kapangyarihan. Pagkatapos noon, ilang buwan ang
lumipas, si pastor Larry Randolf, siya ay nagpahayag ng hula para sa akin na
nais ng Diyos na ako ay gamitin sa isang espesyal na paraan. At ang lahat ng
kanyang hula ay nagkatotoo, ilang libong ulit, higit pa. At pagkatapos nito,
Enero, 1996, Panginoong Hesus, Dinadalaw Niya ako sa Kanyang nakikitang
presensya. At dinalaw Niya ako nang may 10 ulit upang sabihin sa akin kung
papaano Niya ako gagamitin, ang lahat ng mga bagay, ang Kanyang mga plano at
ito ay sinasabi Niya sa akin ang tungkol dito, tulad nang nasa aklat.
Subalit hindi Niya sinabi sa akin na isasama Niya ako sa Langit. Kaya,
makalipas ang 10 ulit, February 19, 96, sinimulan Niya akong dalhin sa
Langit taglay ko ang binagong katawan, tulad ng Kanyang Espiritung katawan,
ang aking katawan. Tuwina, bago Niya ako dalhin sa Langit, Dinala Niya ako
sa dalampasigan o tabing-dagat, makalupang dalampasigan. Sa kaunaunahang
pagkakataon bago Niya ako dalhin sa Langit, dinala Niya ako sa isang gilid
ng dalampasigan ipinakita Niya sa akin ang isang mala kristal na linaw na
bahagi ng tubig pagkatapos ipinakita Niya sa akin ang napaka laking
kumikinang na lagusan. Kaya pagkatapos nito dinala Niya ako sa Langit.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
“Pagkatapos makalagpas sa may lagusan, sulat ni Cho:
“Ang Panginoon at ako ay naglakad sa isang kalsada na
nagmula sa ituktok ng burol. Sa katapusan narating namin ang isang napaka
laking puting tarangkahan o ‘gate’ na naka tindig sa harapan ng isang napaka
laking puting gusali. Lumakad kami sa loob ng tarangkahan at nagpatuloy
patungo sa puting gusali. Pumasok kami at naglakad sa isang mahabang pasilyo
na tumutumbok sa isang napaka laking silid. Na aming pinasok. Habang ako’y
nakatingin pababa, natanto ko na sa unang pagkakataon na ako ay nakasuot ng
isang kakaibang balabal na taglay ko roon sa dalampasigan, at nararamdaman
ko na mayroong mabigat na bagay na nakapatong sa aking ulo. Aking inabot at
nasumpungan ko ang isang napaka gandang korona na ilagay doon na hindi ko
ito namamalayan. Pagkatapos tinitigan ko ang Panginoon. Siya ay nakaupo sa
isang trono, at nakasuot Siya ng isang makinang na kasuotan at gintong
corona. Mayroon pa akong ibang mga kasama roon, nakaluhod sa sahig at
nakadipa sa sahig sa Kanyang harapan. Ang mga dingding ng silid ay yari sa
malalaking makinang na mga bato na nagliliwanag. Ang ibat-ibang kulay na mga
bato ay nagdudulot ng isang kalagayan na ang silid ay mukhang maligamgam at
masaya, mukha ring mahiwaga. Pagkatapos, kung gaano ako kabilis na nadala sa
itaas ng bundok at papasok sa puting gusali, nasumpungan kong muli ang aking
sarili sa dalampasigan.
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
Nang unang pagkakataon ipinakita lamang Niya sa akin ang
silid na kinalalagyan ng Kanyang trono. Pagkatapos noon bumaba kami mula sa
Langit at kami ay naka-upo sa may buhanginan sa ibabaw ng makalupang
dalampasigan. At pagkatapos ay nagpasimula Siyang magsalita. Sabi Niya,
kagagaling lang natin sa Kaharian ng Langit. Ang tanging makapupunta lamang
doon ay ang mga masunurin at may dalisay na puso at sinabi Niya ang
pangangaral ng mabuting balita ay napaka importante at nag-antay Siya ng
ilang sandali at sabi Niya sila na hindi nag-iikapu, sila ay hindi
masunuring mga Kristiyano. Iyon ang mga huling salita na sinabi Niya sa
unang paglalakbay.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Si Choo ay nagpunta sa langit na may 16 na beses pa, sa kada punta niya,
sinulat niya:
“Sa aking binagong katawan, ako’y naglakad kasama ang
Panginoon sa dalampasigan, at pagkatapos inakay Niya ako sa langit. Naglakad
kami sa loob ng mga perlas na tarangkahan o ‘gates’ at pumasok sa puting
gusali upang magpalit ng aming mga damit. Matapos makapagpalit, tumawid kami
sa gintong tulay. Ang lahat ng ito’y parang naging pangkaraniwan na lamang
sa akin. Bawat mananampalataya, sigurado ako ay daraan sa parehong
kaparaanan kapag siya ay pumunta sa langit.”
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
Pagkatapos noon, dinala Niya ako sa langit na may 16 na
beses pa. Kada punta namin doon, ipinapakita ang iba’t ibang mga bagay. At
kapag ipinakita Niya sa akin ang mga espesyal na bagay, lagi, sinasabi Niya
na inihanda Ko ito para sa Aking mga anak, alam Ko kung ano ang gusto nila.
Tulad nang ipakita Niya sa akin ang dalampasigan, tignan mo anak kung gaano
kaganda ang dalampasigang ito, alam Ko na gusto ng Aking mga anak ang
dalampasigang ito at nang dalhin Niya ako upang mangisda, alam Ko na gusto
ng Aking mga anak ang mangisda, kaya hinanda Ko ang maraming bagay na gusto
nila at napag-alaman ko na ang langit ay higit na isang libong beses ang
ganda kumpara sa Mundo, subalit maraming mga bagay ang tulad sa ibabaw ng
Mundo tulad ng mga kalsada, mga gusali, mga puno, mga halaman, mga
malalaking bato, mga bulaklak, mga magagaspang na lugar sa labas ng kaharian;
sadyang maraming mga bagay doon; subalit sila ay mahigit na isang libong
beses na mas ganda sa mga bagay sa Mundo, sadyang napaka ganda. Ang ganda ng
langit ay hindi kayang isalarawan at hindi ko man lang kayang isalarawan ang
mga ito, sadyang napaka ganda. At ang, napag-alaman ko kung gaano kamahal ni
Hesus ang bawat isa sa atin. Ang paraan na makipag-usap Siya sa akin ay
sinasabi na “tignan mo kung gaano Ko kamahal ang Aking mga anak at ginawa Ko
ang lahat ng mga ito para sa Aking mga anak”, alam mo. Iyan ang dahilan kung
bakit Niya ako dinala roon upang ipakita ang Kanyang hinanda para sa Kanyang
mga anak, kaya malaman ng bawat isa kung anong langit ang naghihintay sa
atin, kaya bago Siya dumating, nais Niya na malaman ng lahat ng mga
Kristiyano ang lahat ng mga bagay na ito, upang sila ay manabik at pumunta
roon. Iyan ang dahilan kung bakit ako sumasampalataya ipinakita Niya ang mga
bagay na ito. Hindi Niya sinabi ang lahat ng bagay, alam mo, nang lubos,
ipinakita lamang Niya ang ilang mga bagay, nagsalita lamang ng kakaunting
salita, mahahalagang mga salita na sinabi Niya sa akin. Iyan ang mapagmahal
ng Diyos Siya nga. Purihin ang Panginoon.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Bukod sa naranasan ang langit, ipinakita rin kay Cho nang dalawang beses
ang impiyerno.
Isinalarawan niya ang pangitain sa impiyerno sa mga
sumusunod: Nakakakita ako ng mga usok at maiitim na usok umaakyat mula sa
isang malalim na hukay. Ito ay tulad ng bunganga ng isang bulkan, at sa loob
ay nakikita ko ang mga lagablab ng mga apoy pinapaso ang laksa-laksang tao
na sila ay humihiyaw at nananangis sa isang uri ng paghihirap na ang tanging
makaaalam lamang ay yaong mga lubos na sinusunog.
Ang mga tao ay hubo’t hubad, walang mga buhok, at
nakatindig na magkakalapit sa isa’t isa, gumagalaw na kagaya ng mga bulate,
at ang mga lagablab ng mga apoy ay pumapaso sa kanilang mga katawan. Wala
nang pagtakas sa kanila na mga nabihag sa mga hukay – ang mga pader ay
napaka lalim upang maakyat, at mainit na mga uling na apoy ay nasa lahat ng
gilid palibot.
Ang mga lagablab ng mga apoy ay bigla na lamang lumulukso
palabas na di mo inaasahan mula sa iba’t ibang dako. Ang mga tao ay
magsisilayo, at pagkatapos sa pag-aakala na sila ay ligtas na, panibagong
apoy ang biglang susulpot. Wala roong kapahingahan para sa mga sawing-palad
na mga biktima ng kasalanan; sila’y napahamak na gugulin ang buong walang
hanggan na pinapaso at sinusunog habang sila ay nagsikap na makatakas mula
sa mga lagablab ng mga apoy ng impiyerno. “Sino ang mga taong ito?” tanong
ko. “Aking anak, ang mga taong ito ay hindi Ako kilala.”
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
Sa langit anumang bagay na ipakita Niya sa akin ay
sadyang nakakaganyak na bagay at naka mamanghang mga bagay subalit kasunod,
ipinakita Niya sa akin ang Impiyerno, ang unang bagay na nakita ko sa loob
ay apoy lahat, subalit ito ay malalim, madilim, at walang katapusang butas.
Ang mga tao ay hubo’t hubad, walang mga buhok. Wala silang mga buhok, wala
silang mga damit, lahat ay hubad na katawan. Sila’y nakatayo na magkakalapit
sa isa’t isa. Tila baga sila ay, sila ay nagtutulakan dahil nais nilang
lumayo sa apoy. Sa tuwing sila ay gumagalaw, sinusundan sila ng apoy,
paatras at pasulong, paatras at pasulong, ang buong lugar ay puno lamang ng
apoy, at ang mga taong ito ay nakatayo nang magkakalapit sa isa’t isa. Sila
ay mukhang labis na nasasaktan at malungkot at hindi ko mapigilang umiyak
nang labis para sa kanila. Pagkatapos dinala Niya ako roon sa ikalawang
pagkakataon at nakita ko silang muli. Pagkatapos nakarinig ako ng mga tinig
at tumingin ako sa lahat ng dako, napakaraming mga Taga-Silangan doon. At
itong isang babae, siya ay kumakaway sa akin, nagsasabing napaka-init,
napaka-init. Tinignan ko siya at ang aming mga mata ay nagkatagpo sa isa’t
isa. Iyon ang aking ina. Nang aking natanto na ito ay ang aking ina, nanlumo
ang puso ko at nagpasimula akong umiyak. Hindi ko pa naramdaman ang ganoong
uri ng sakit, sadyang masakit. Lubhang masakit, hindi ko alam ang aking
gagawin. At patuloy siyang nagsasabi mainit, mainit at kumakaway siya sa
akin. At sa tingin ko ay gusto niya akong bumaba at tulungan siya.
Pagkatapos tuningin ako, ibang mga tao, naroon ang aking ama, ang aking
madrasta, ang aking batang pamangkin na lalaki, namatay siyang batang bata
at dalawang kaibigan na kilala ko. Oh, iyon ay sadyang napaka sakit na
alaala at ako ay patuloy na umiiyak, umiiyak, umiiyak, pagkatapos sinabi sa
akin ng Panginoong Hesus “anak, mayroon akong mabuting dahilan upang ipakita
sa iyo ito, subalit ako ay nasasaktan ng higit sa iyo”. Uumm. At sinabi ko
sa Kanya, Panginoon, ang aking ina, bata siyang namatay, siya ay may sakit
nang mahabang panahon. Hindi ko naisip na siya ay isang masamang tao. Sabi
Niya, hindi mahalaga kung gaano kabuti ang mga tao, sinuman hindi
nakakakilala sa Akin, iyon lamang ang lugar na pupuntahan nila. Subalit
sinasabi ng aking puso, bakit Mo ipinapakita ang bagay na ito upang masaktan
ako sa ganitong paraan. Naisip ko ang tungkol dito, subalit hindi ako
magagalit sa Kanya. Hindi ko makita ang Kanyang mukha, subalit masasabi ko
na umiiyak Siyang kasama ko. Nararamdaman ko na lamang ito. Mukha Siyang
malungkot, pagkatapos hinipo Niya ang aking ulo, kinuha ang aking kamay,
lumabas kami mula roon at ako ay umiiyak sa buong oras na kami ay naglalakad.
Sa aklat, ipinaliwanag ko ang bawat detalye, kaya, pagkatapos, sa sumunod na
pagdalaw ipinakita Niya sa akin ang isa pang malungkot na bagay. Ito ay ang
mga nilaglag na bata. Dinala Niya ako sa isang lugar, ito ay isang malaking
gusali. Mukha silang mga bodega. Nang kami ay lumakad sa loob nito, lahat
nang nakita ko ay mga sanggol, maliliit, maliliit na nakahubong mga sanggol.
At sila’y tabi tabing nakahiga. Humm, at nagpasimula akong umiyak. Panginoon,
bakit napaka raming mga sanggol. Sinabi Niya, nilaglag nila ang mga sanggol.
Sabi ko, ano ang gagawin Mo sa kanila. Sabi Niya kung ang kanilang mga
magulang ay maligtas at sila’y makarating sa langit, makukuha nilang muli
ang kanilang mga anak. Ganoon nga iyon.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Sa kanyang ika-17 paglalakbay patungong langit, sinabi ni Hesus kay Choo
na ito na ang huli niyang paglalakbay patungong langit. Sa mga bagay na ito
siya’y nagsulat:
“Naguluhan ako nang malalim sa Kanyang mga salita. Ang
aking puso ay talagang kumirot dahil sa aking pag-ibig sa aking Panginoon.
Siya ay tumindig, at alam ko na ito ay oras na upang kami ay umalis.
Nagpatuloy ako sa pag-iyak, subalit ang aking puso ay siniguro nang kaalaman
na ako ay makakasama ng Panginoon magpakailan man at Siya ay laging sasa
akin sa ibabaw ng mundo. Sa silid palitan ng damit, isang anghel ng Diyos
ang yumakap sa akin. Ito ay talagang napakasaya sa isang lugar na kung saan
puno ng pag-ibig, kahabagan, at kaunawaan ay laging naroroon. Sa aking
pagpapalit ng kasuotan, sapantaha ko na kapwa si Abraham at ang anghel ay
nalalaman na ito na ang huli kong pagbisita sa langit. Sa aking paglabas
mula sa silid palitan ng kasuotan, muli akong niyakap ng anghel. Ang anghel
na ito ay may olandes na buhok, dumadaloy na puting mga kasuotan at isang
mukha na napaka amo at maligamgam. Ang angel ay ngumiti sa akin habang ako
ay naglakad patungo sa Panginoon.
--------CHOO NAGSASALITA:---------
Nang ako ay dalhin ng Panginoon sa langit sa ika-17
pagkakataon, pinakita Niya sa akin ang mga ulap. At iyon ang katapusan ng
aking pagdalaw sa Langit. Sinabi sa akin ng Panginoon Hesus ito na ang huli
mong sandali rito. Hindi kita dadalhin dito hanggang sa huling araw.
Naramdaman ko na lamang na parang alam ko na ito, na iyon na ang huling araw.
At nagpasimula akong umiyak, sapagkat ayokong umalis doon. Hinahawakan ko
ang Kanyang braso at sabi ko Panginoon, pakiusap huwag mo akong paalisin,
ayokong umalis dahil gusto kong pumunta rito pabalik balik. Ito ay talagang
napaka lungkot para sa akin, na hindi na ako muling makaparoroon muli, dahil
sa tuwing ako ay pumupuntang kasama Siya sa langit, nakakakita ako ng mga
malulungkot na bagay, subalit kagalakan kapayapaan, na hindi ko kayang
ipaliwanag, hindi ko kayang ipaliwanag ang kagalakan, kapayapaan na taglay
ko roon. Kahit kalungkutan, taglay ko pa rin ang kagalakan, ang kapayapaan.
Labis na pag-ibig, umiyak ako nang ilang araw dahil doon.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Ang Bibliya ay nagsasabi nang isang araw na si HesuKristo
ay muling babalik para sa Kanyang mga taong binanal o ‘church’. Sa 1
Tesalonica 4: 16, ang basa rito “Sapagka't ang Panginoon din ang bababang
mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak
ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung
magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa
mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa
Panginoon tayo magpakailan man.” Ang tawag dito ay ang pagdagit o ‘rapture’.
--------CHOO NAGSASALITA:---------
Pagkatapos nang lahat ng iyan, tila ilang linggo ang
nakalipas, Panginoong Hesus, dinala Niya ako sa dalampasigan sa aking
katawang espiritu at sa Kanya. At naupo kami sa dating lugar, pagkatapos
nag-usap kami nang ilang sandali at pagkatapos, sinabi Niya sa akin, may
ipapakita Ako sa iyo na ilang bagay. Sa minuto na sinabi Niya iyon,
nagkaroon ako ng isang pangitaing tinig na nagmumula sa loob ng aking
katawan, sikmura. Ito ay napaka lakas at itong pangitaing tinig ay kumuha ng
napaka habang oras. Pagkatapos nakakarinig ako ng mga ingay, sadyang,
sadyang isang malakas na malakas na mga ingay, ang pakiramdam ko ay
bumabagsak ang buong mundo, napaka lakas, sadyang nakatatakot na mga ingay.
Pagkatapos ako’y tumingin, ang buong kalawakan ay puti. Mga tao na may suot
na puting balabal ay nagliliparan kahit saan, patuloy lamang ang pagputok,
pagputok, tapos nawala, pagputok, puno ng hangin, puno ng tao. Pagkatapos
naunawaan ko na iyon ay ang pagdadagit. Ako ay tumatawa, umiiyak, humihiyaw,
sobrang ganyak, at pagkatapos nakita ko ang aking apo na babae, siya ay
sampung buwan pa lamang, siya ay mayroon ng buhok, biglang siya’y lumipad
palabas sa bintana mula sa loob ng silid. Pagkatapos may puting kasuotan at
ang kanyang buhok ay pababa hanggang balikat. Hindi mo maiisip kung gaano
ako kasaya. Pagkatapos sa sumunod na minuto, nakita ko ang isa ko pang apo
na babae, siya ay apat na buwan pa lamang, siya ay mayroon ng buhok. Lumipad
siya palabas sa bintana, kagaya nang nauna, taglay ang puting kasuotan. At
ang kanyang buhok ay umabot pababa sa kanyang balikat. Ako ay humihiyaw,
umiiyak, tumatawa, sobrang nagagalak na hindi ko naranasan nang ganoon kahit
kailan, talagang napakasaya, maririnig sa buong bahay. Ang mabuting bagay
wala ang aking asawa sa bahay. Kung siya ay nasa bahay, iisipin niya talaga
na may masamang bagay na nangyayari sa akin. At pagkatapos noon, ipinakita
sa akin ng Diyos ang iba’t ibang tagpo, Ang tagpong ito ay isang napaka
lungkot. Ito ay napaka sama.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Ang Bibliya ay nagsasabi rin ng isang panahon nang
malaking kapanglawan, kagyat matapos ang pagdagit. Sa Mateo 24:21-22, sabi
ni Hesus “Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na
ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon,
at ni hindi na mangyayari kailan man.At malibang paikliin ang mga araw na
yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay
paiikliin ang mga araw na yaon.” Ito rin ay tinaguriang ang dakilang
kapighatian.
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
Mabuti, pagkatapos noon, ipinakita sa akin ng Panginoon
ang isa pang pangitain. Ito ay ang mga taong naiwan. Naniniwala ako na
marami sa kanila ay mga Kristiyano. Kaya sila ay nagsisitakbo di ba? Kung
sila ay di mga Kristiyano, hindi sila tatakbo, alam mo. Subalit ang mga
pulis ay nasa lahat ng dako, ang mga tao ay nasa lahat ng dako at sila,
nagsisitakbo lang, takot, at mga gimbal ang mukha, pumupunta sa kotse,
pumupunta sa bangka, tumatakbo sa bundok, hindi nila alam kung saan sila
pupunta, tulad sila ng mga hinahagad ng, alam mo, halimaw o anong bagay.
Takut na takot, alam mo, napaka sama, napaka samang tagpo iyon. At
pagkatapos noon, sinabi sa akin ng Panginoong Hesus, na ang nakita mo ngayon
lang ay bale wala kumpara sa kung ano ang mangyayari sa araw na ito ay
dumating. At pagkatapos noon, sinabi Niya sa akin, ang lahat ng aking mga
tao ay nadagit, kukuhanin ni Satanas ang pamamalakad sa mundong ito at
nanaisin niya na ang bawat isa ay tumanggap ng kanyang bilang 666. At ang
sinuman tumangging tanggapin ito, sila ay pupugutan ng ulo. Kaya ang
sinumang ayaw tanggapin ang mga tanda ng bilang ng halimaw 666, ibibigay
nila ang kanilang puso kay Hesus, nais nilang makasama Siya magpakailan
kailan man Pahayag 20:4 At pagkatapos, sinuman ang tumanggap ng tatak ng
bilang ng halimaw 666, lahat sila ay itatapon sa mga lawang apoy magpakailan
kailan man, sila ay susunugin sa loob noon araw at gabi, walang kapahingahan,
Pahayag 14:11 Kaya ang bawat isa ay dapat malaman tungkol sa mga bagay na
ito at tandaan, gusto mo bang maputulan ng ulo, ito ay paraang hindi madali.
Sila ay pahihirapan nang sobra sobra bago sila putulan ng ulo, dahil hindi
sila pahihintulutan ni Satanas na bumigay ng madalian. Kaya, sinuman ang
nakikinig ng mensaheng ito, pakiusap kung wala kang malapit na relasyon sa
ating Panginoong Hesus, pakiusap gumawa ka ng anuman patungkol sa iyong
kaligtasan. Isa pa, kung ikaw ay maiiwan, anuman ang maging kabayaran nito,
huwag na huwag mong tatanggapin ang mga tatak ng bilang ng halimaw 666.
Higit na mabuti na magdusa nang panandalian kaysa magdusa sa impiyerno
magpakailan kailan man nasusunog sa apoy at pakiusap, pakiusap seryoso mong
tanggapin ang aking mga sinasabi.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Ang aklat, Langit ay napaka Tunay, ay kasalukuyang
isinasalin sa maraming mga wika at ipinamamahagi sa buong mundo. Mayroong
ding salin sa MP3 ang aklat na ito, na maaaring bilhin sa linya o “on-line.”
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
Mabuti, ang aklat ay gumagawa ng mabuti. At ang aklat na
ito ay mabenta sa buong daigdig. Ginamit ng Panginoon si Dr. Yonggi Cho para
sa aklat na ito at isinalin niya ang aklat na ito. Inabot siya ng dalawang
buwan para maisalin, kalimitan ito ay inaabot ng anim hanggang pitong buwan.
Kaya, ang araw na ang aklat ay nalathala, at ito ay sumabog sa Korea at nasa
unang bilang na mabenta roon. At ang Diyos na makapangyarihan ay ginagamit
si Dr. Yonggi Cho sa isang kamangha manghang paraan. Siya ay mayroong kulang
sa 800,000 na miyembro sa kanyang simbahan, kaya ginagamit siya ng Diyos
para sa aklat na ito, pinili Niya siya para sa aklat na ito. Purihin Ka
Panginoon, at ang aklat na ito ay pang huling panahong aklat ng Panginoong
Hesus. Nais Niyang basahin ito ng lahat ng mga Kristiyano at magpatotoo sa
iba at ito ang ginagawa ng maraming tao, kapag sila’y bumili ng isang aklat,
sila’y bumibili ng dose-dosena, sila’y bumibili ng daan-daan, at ang sabi
nila na ito ang pinaka mahusay na kasangkapan sa pagpapatotoo liban sa
Bibliya. At pagkatapos, nakatanggap ako ng maraming e-mail, wala na akong
oras para sa sarili ko. At lalo na kapag naka tanggap ako ng e-mail mula sa
maliliit na bata mga 12, 13 taong gulang. Sinasabi nila na mahal na mahal
nila ang aklat na ito. Mahal nila si Hesus, tinatawag nila itong aklat ni
Hesus at sila ay binago ng aklat. Ilan sa kanila ay nagsasabi, dapat akong
huminto sa pag-aaral at gawin ang gawain ng Diyos. Sinasabi ko na huwag
kayong huminto sa pag-aaral. Dapat kayong mag-aral, gusto ng Diyos na kayo
ay magkaroon ng edukasyon. Iyon ang sinasabi ko sa kanila alam mo na.
Subalit anuman ang iyong gagawin, sinasabi ko unahin mo ang Diyos. Kapag
sinasagot ko ang kanilang mga e-mail, sila ay tuwang tuwa, alam mo,
libu-libo at libu-libong mga buhay ang nababago sa pamamagitan ng aklat na
ito dahil ito ay aklat ni Hesus at tinupad Niya ang lahat ng Kanyang mga
pangako para sa aklat na ito mula sa simula hanggang matapos. Sinabi ko sa
Kanya na mabuti, ako ay talagang nag-alala, maraming bagay, alam mo,
pagkatapos sinabi Niya sa akin, bakit ka nag-aalala, ito ay Aking aklat, Ako
ang mag-iingat dito, lagi Niyang sinasabi ito sa akin. Subalit
pinag-iingatan Niya ang lahat ng bagay mula sa simula hanggang katapusan.
Sinuman ang magbasa ng aklat na ito, malalaman nila na ito ay aklat ni Hesus
at talagang iningatan Niya ang lahat ng bagay. Kaya, lahat ng Kanyang mga
pangako sa aklat na ito, ay tinupad Niya. Ngayon, ang tanging bagay na
natitira ay ang aking gawain sa pagsasayaw. Sinanay Niya ako sa gawain ng
pagsayaw, ito ay isang banal na pagsayaw, sa loob ng tatlong taon,
pagkatapos, nagsasayaw ako sa simbahan sa loob ng dalawang taon. Ngayon
kulang sa tatlong taon at kalahati, ako ay nag-aantay sa Kanya. Ang
pag-aantay ang pinaka mahirap para sa paglilingkod sa Diyos. Alam mo, dapat
akong mag-antay ng pitong taon bago Niya ipalathala ang aklat. Ilang panahon
naisip ko kung ipapalathala pa Niya ang aklat na ito, subalit tinupad Niya
ang Kanyang mga salita, tignan mo.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Sa katapusan ng kanyang makalangit na mga paglalakbay, gumawa si
Hesus ng isang napaka espesyal na pangako kay Choo.
--------CHOO THOMAS NAGSASALITA:---------
Mabuti, ang katapusan ng pagbisita ay matapos kong
alalahanin ang mga manuskrito ng aklat. Pagkatapos dinala Niya ako sa
makalupang dalampasigan o tabing-dagat. At gumugol kami ng ilang oras.
Sinabi Niya sa akin na dadalhin Niya ako roon tuwing Lunes iyon ay May 27,
1996. Mula noon, kahit minsan hindi Siya nagmintis, dinadala Niya ako roon
tuwing Lunes sa aking binagong katawan. Ginising Niya ako tila ilang minuto
matapos ang alas 12 tuwing Lunes ng umaga. Inuuga Niya ang aking katawan sa
loob ng 30 minuto, eksaktong 30 minuto; walang kulang, walang labis, at ang
Kanyang presensya ay nagpapakita at ang Kanyang katawang espiritu, ang aking
katawang espiritu at tumungo kami sa tabing-dagat. At pagkatapos, nang
makarating kami roon, alam mo, kadalasan Siya ang nagsasalita, ako’y
nakikinig. Pagkatapos ako ay umawit, ako ay sumayaw sa aking katawang
espiritu at ito ang pinaka mainam na oras ng aking buhay ngayon.
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Ang dahilan kung bakit si Hesus ay namatay sa ibabaw ng krus ay dahil
sa Juan 3:16- Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan,
na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa
kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan.
Samakatuwid, ayon sa Roma 10:9 Sapagka't kung ipahahayag
mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso
na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka.
--------CHOO NAGSASALITA:---------
Mabuti, Marami akong naririnig na sinasabi ng mga tao
“sino nag-aalala matapos kang mamatay”, hee hee hee, tulad noon, alam mo.
Pagkatapos sasabihin ko, dapat kang mag-alala pagkatapos mong mamatay. Ito
ay kapag nagpapatotoo ako. Kung ikaw ay mamamatay, ikaw ay pupunta lamang sa
dalawang lugar, kundi langit o impiyerno. Sasabihin niya, eeeehhh, sino
mag-aalala matapos akong mamatay. Nagsasalita sila tulad nang wala silang
alam na anumang bagay matapos silang mamatay. Sinasabi ko, dapat kang
mag-alala matapos kang mamatay, dahil bakit? Kahit mamatay ka, iyong katawan
mamatay, ang iyong espiritu, kaluluwa ay hindi namamatay. Iyan ang dahilan
kung bakit nakaka-alala ka, kirot, kaligayahan, kagalakan, lahat ng bagay,
tulad noong ikaw ay buhay pa. Kaya hindi nila ito pinaniniwalaan, aaaaa,
sila’y nagagalit sa akin. Sinasabi ko, mabuti, inaasahan ko balang araw
maalala mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Kilala mo ba si Hesus? Sinasabi nila,
kilala ko ang Diyos. Sinasabi ko, mabuti, si Hesus ay Diyos. Siya ang Ama,
Siya ang Espiritu Santo, Siya ang lahat. Kung hindi mo kilala si Hesus,
kilala mo ang Diyos, hindi ka nito madadala sa langit. Salita lamang ako ng
salita, ayaw nilang makinig, higit sa mga taong ito. Sinasabi ko na lamang
sa kanila, mabuti, ayaw mong maniwala ngayon dito, inaasahan ko balang araw,
maniniwala ka na. At salita ako nang salita, kahit ano pa, ayaw nilang
tanggapin ang regalo ng kaligtasan. Alam mo kung ano ang sinasabi ko,
sinasabi ko, OK ayaw mong tanggapin itong regalo ng kaligtasan mabuti,
subalit isang araw, malalaman mong lahat ng mga tao ng Diyos ay madadagit (kukuhanin
ni Hesus nang buhay pataas sa langit), pagkatapos malalaman mo kung ano ang
sinasabi ko ngayon sa iyo, subalit tatanungin kita, kapag dumating ang oras
na iyon, huwag mong tatanggapin ang tatak na 666. Kung tatanggapin mo iyon,
ikaw ay susunugin sa impiyerno magpakailan kailan kailan pa man. Kaya
pakiusap, pakiusap, pakiusap, huwag mong tatanggapin ang bilang na 666.
Pakiusap maaari mo ba itong alalahanin? Alam mo, ilan sa kanila ay nagsasabi
OK. Sinasabi ko ito sa napaka raming mga tao.
Sinuman ang hindi pa nanalangin ng panalangin ng
kaligtasan dati, nais kong manalangin. Pakiusap sumunod kayo sa akin.
Panginoong Hesus, nananalig ako na ikaw ang Anak ng Diyos at namatay para sa
akin. Pakiusap pumasok Ka sa aking puso at maging Panginoon ko at
Tagapagligtas. Hinihiling ko sa Iyo na patawarin Mo ako sa lahat ng aking
mga kasalanan at linisin Mo ako ng Iyong mahal na dugo, panghawakan Mo ang
lahat ng bahagi ng aking buhay mula sa mga sandaling ito. Hesus, punuin Mo
ako ng Iyong Banal na Espiritu at bigyan mo ako ng kapangyarihan na
magagamit para sa Iyong kaluwalhatian. Nais kong paglingkuran Ka, mahalin
Ka, sundin Ka sa lahat ng mga araw ng aking buhay at gumawa ng isang
kaibahan sa mga buhay ng iba pa. Ama, salamat sa paggawa Mo sa akin na Iyong
anak. Sa Banal na Pangalan ni Hesus, amen. Halleluiah. Sinuman ang
nanalangin ng panalanging ito kasama ko, pakiusap, pumunta sa simbahan,
pakinggan ang salita ng Diyos mula sa mga pastor at basahin ang Bibliya
araw-araw, pag-aralan ito. Manalangin nang maraming ulit sa loob ng isang
araw at magkaroon ng relasyon kay Hesus. Salamat sa iyo, amen, Halleluiah
--------PUNONG-ABALA NAGSASALITA:---------
Sa pamamagitan ng Choo Thomas’ Ministry, maraming salamat
sa inyong panonood sa ating palabas. Sa “Ang Langit ay napaka Tunay”, sinabi
ni Hesus na Siya ay muling babalik para sa Kanyang Mananampalataya (Church)
mas malapit kumpara sa ating iniisip, kaya maging handa at ibigay natin sa
Diyos ang lahat ng papuri.
New Page 1
Isinalin sa Tagalog ni Reyn Araullo
e-mail:
[email protected]
cellphone: +639214727940
Ika-22 ng Enero, 2008
|