Ang Tatak ng Halimaw (666)
Ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa Tatak ng Halimaw?
PDF
DOC English/Main
( RFID vs. ISLAM)
Spanish
German
Swedish
Chinese
Korean
Portuguese
Japanese
Indonesian
Arabic
Hindi
Dutch
French
Finnish
Hungarian
Faroese
Slowakia
Tagalog
Urdu
Punjabi
Croatian
Romanian
Malagasy
Bengali
Telugu
Albanian
Amharic
Nepali
Mga Pahayag 13: 15-18 |
Mga Pahayag 14: 9-11 |
At
siya'y pinagkalooban makapagbigay ng hininga sa larawan ng halimaw,
upang ang larawan ng halimaw ay makapangusap, at maipapatay naman ang
lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng halimaw. At ang lahat, maliliit
at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya ang mga alipin
ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo: At nang
huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda,
sa makatuwid ay ng pangalan ng halimaw o bilang ng kaniyang pangalan.
Dito'y may karunungan. Ang mga pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng
halimaw; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay
Anim na raan at anim na pu't anim o 666. |
At
ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng
malakas na tinig, “Kung ang sinoman ay sumasamba sa halimaw at sa
kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang
kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na
nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y
pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa
harapan ng Kordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang
magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi,
silang mga nagsisisamba sa halimaw at sa kaniyang larawan, at sinomang
tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. (ito ay 666)” |
Maraming haka-haka na kung papaano ang lahat ng
ito ay magaganap, subalit makakatiyak ka rito…
SINUMAN ang tumanggap ng tatak ng
halimaw 666 ay napahamak!
Doon ay
WALA nang pagpihit pabalik, WALA nang kapatawaran, WALA nang ikalawang
pagkakataon, WALA nang pagtutubos, WALA nang kaligtasan!
Huwag mong isipin na…"Mauunawaan
ng Diyos, Papatawarin Niya ako sa pagtanggap ng tatak, Siya ay mahabagin
at ayaw Niyang mawala ang aking buhay. Hindi ako dapat mag-alala; maaari
pa rin akong maligtas, tama?
MALI!!!!
Kung makuha mo itong tatak ng halimaw
666 sa iyong noo o sa iyong kamay, tapos ka na! HINDI ka na maliligtas!
Ipinahayag mo ang iyong katapatan sa halimaw. Magkakaroon ng malaking
kagulumihanan at kapighatian sa oras na ang tatak ay ipinakalat.
Magmumukhang ito ang pinaka mainam na gawin upang maligtas, lulutas ng
maraming problema. Malaking kabigatan ang bababa sa iyo upang kunin ito,
tulad ng pagpapahirap, mawalan ng buhay, mawalan ng trabaho, mawalan ng
mga anak, mawalan ng mga ari-arian, karangalan, tahanan, mga kalayaan,
mga braso, binti, atbp. Ang mga propeta ay binalaan na ang diablo ay
hindi papayag na ang mga tumanggi ay basta na lamang putulan ng ulo,
subalit pahihirapan niya sila ng katakut-takot na pahirap upang
tanggapin nila ang kanyang tatak. Hindi ka maaaring bumili o magbenta ng
anuman kung wala ang tatak. Sa punto ng oras na iyon, DAPAT kang maging
handang mamatay sa halip na magpatatak. Dapat kang maging handan sa
pagharap sa kamatayan sa halip na tanggapin ang tatak ng halimaw, anuman
ang maging kaparusahan. Huwag kang makipagkasunduan, at huwag kang
magkakamali sa bagay na ito, sila na tatanggap ng tatak, kahit mga
mananampalataya, ay HAHATULAN
sa buong kapuotan ng Diyos magpakailanman!
WAG mo subukan na mag-pakamatay para lang
maiwasan mo ang pag-hirap, o' kaya para maiwasan mo ang pag-tanggap sa
bilang ng halimaw (mark of the beast) 666 dahil gusto mong maligtas.
Ang mag-pakamatay ay hindi nakakatulong, mag-pakamatay ay tumutungo
papuntang sa impyerno, kahit ikaw ay kristiano na nananampalataya ng
diyos. Wag mong gawin 'yan. kahit ikaw ay hindi naniniwala sa Hesus, at
tumatanggi ka para tumanggap ng bilang ng halimaw (mark of the beast)
hindi pa rin 'yon nakakaligtas. Dapat kang maniwala, magsisi at
magpahayag ng paniniwala kay Hesus, at tumanggi ka sa pag-tanggap ng
marka, 'yon lang ang paraan upang maligtas ka. |
Subalit mayroong pag-asa sa mga maiiwan, na tumangging
tanggapin ang Tatak ng Halimaw at pinatay dahil sa kanilang
pananampalataya. |
Mga Pahayag 20:4 |
At
nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito,
sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga
pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Hesus, at dahil sa salita ng Diyos,
at ang mga hindi sumamba sa halimaw, o sa kaniyang larawan man, at hindi
tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y
nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Kristo sa loob ng isang libong
taon. |
Isinalin sa Tagalog ni Reyn Araullo
Email:
[email protected]
Ika-24 ng Enero, 2008
|